my so-called BLOG [entries|archive|friends|userinfo]
 
baboyita
[userinfo | blogdrive userinfo]
 
 
Pilipinas. Walang kwenta?
Friday, July 08, 2005|07:09 pm
Walang kwenta ang Pilipinas!

isang eye-opener para sa lahat ng Noypi sa mundo. thanks to userinfodeleih for providing the link.

habang halos lahat ng tao sa America at Europa ay nagkakagulo dahil sa bombings sa London, dito nagkakagulo dahil maraming tao ang gustong presidente.
when i got my cousin's email from UK nagulat ako. bombing sa London, bagong yon. pero bombing sa Pinas, luma na yon.

Shoot me!
ito ang gusto ko. pero...
Monday, May 23, 2005|07:41 pm
gusto kong umakyat ng bundok.
gusto kong sumali sa Salsa sessions ng boss ko.
gusto kong makapasa ng kahit isang certification exam lang ng Microsoft/Sun.
gusto kong mangibang-bansa.
gusto kong matupad lahat ng gusto ko.

pero wala akong sapat na pera pambili ng gamit.
pero ayokong umalis ng bahay pag weekends.
pero natatamad akong mag-aral.
pero mahal ang pamasahe.
pero bat parang wala akong ginagawa para matupad ko sila?

bat kasi ang tamad tamad ko?!
bat kasi ang dami kong dahilan?!

hmp!

Shoot me!
this is STILL blogdrive
Friday, April 29, 2005|08:42 pm
you are not in LiveJournal, or DeadJournal, or GreatestJournal, etc.

wala lang akong magawa kanina kaya naisipan kong gayahin ang ichura nila. isa pa, nakaka-irita na yung dati kong layout... laging broken ang links! isinumsumpa na siguro ako ng Lycos ngayon.

the links page is not up yet. im still trying to figure out how to do it. gusto ko kasing ilagay sa "Friends list" ko. grabe, feeling LJ talaga. karir ito.

loong weekend ngayon mga lolo't lola. buti nalang may pahabol sa grasya si Aling Gloria.

hanggang sa muli!

(2) shot me
laugh trip muna
Friday, April 22, 2005|05:38 pm
sikat na si Numa Numa Guy! may 3 versions na ng Numa Numa Dance. click this link tapos click nyo "Watch this movie" and pili ng version. kaaliw yung may subtitle! pati mga officemates ko kinakanta na yung song lagi. hehe.

papahuli ba naman ang pinoy?! syempre hinde. so here's a spoof of Kitchie Nadal's Wag na Wag (Michael V. as Kitchie Naday).

nood na!

Shoot me!
bakas ng nakalipas
Friday, April 08, 2005|09:46 pm
(kung ayaw nyo ma-bored wag nyo to basahin. ill be talking about my childhood in the next set of paragraphs and most of you may find it boring. i posted it here para may "memories" naman kahit papano)




twing umaga pag nadadaan yung jeep na sinasakyan ko dun sa dati naming tinitirahan "mixed emotions" ang nararamdaman ko. parang gusto kong sumigaw ng "PARA!", bumaba at maglakad-lakad sa kalyeng minsan ko ring naging "playground". gusto ko lang maramdaman yung dati, yung feeling ng batang malayang tumatakbo sa tabi ng malawak na highway na may dalang bote ng Coke o Tanduay - oo, inuutusan na kong bumili ng alak sa murang edad pa lang.

ang dami nang nagbago sa lugar na yon. yung dati kong school hindi na gaya ng dati. wala na yung mga capiz na bintana na iniislayd lang para bumukas. wala na rin halos lahat ng naging classrooms ko. twice na kasi syang nasunog kaya ngayon up and down na yung building ng Grades 1 to 4. pati playground iba na rin, yung gate, yung flag pole, yung garden, lahat! yung bahay na katabi ng school na minsan ding tinirahan ng classmate ko nung Grade 1 na si Glenda Undag medyo iba na ichura. dun din minsan tumira yung operator ng jeep na minaneho ng tatay ko. kamusta na kaya sila? si Glenda kaya asan na? yung dating gawaan ng hollow blocks ng mga Deato (teka, Deato nga ba yon? baka mali ako) tindahan na ng mga oxygen ngayon. mataas na yung pader nya, hindi gaya dati na kita ang kaluluwa ng bahay ng may-ari pati na rin yung mga graba at hollow blocks. pati yung bakanteng lupang katabi nya dati na naging playground din namin sinakop na nya. katabi non yung dating compound na tinirahan namin, pero mamaya na yon. mamasyal muna tayo sa susunod na bahay.

yung compound ng pamilya nila Annie. Arnia and totoong pangalan nya, isa sa maituturing kong kababata at ka-berks nung mga time na yon. 3 kami noon, si Annie and pinaka-mabait, si Brenda and medyo supladita, at ako ang parang hindi nag-e-exist. aaanyway, yung bahay nga nila Annie wala na rin doon, nasakop din ata sya nung sa gawaan ng oxygen o gawaan ata ng kotse yung nasa place na yon. basta, ang gulo na kasi dun eh. next is Mang Budoy's house. sya ang long-time operator ng jeep na minaneho ng tatay ko. madalas kami dati sa kanila at sila ang maituturing kong pinaka-mayaman sa lugar namin nung maliit ako -- kasi may jeep sila hehe. wala na si Mang Budoy ngayon pero yung bahay andun pa rin, malamang isa sa mga anak nya ang nakatira dun. wala na silang jeep pero kotse meron. sunod ay yung bahay nila Bekyu. ganon pa rin ang ichura pero mukhang iba na ang nakatira. for sure wala na dun si Bekyu (isa rin syang ka-berks), baka na States na sya or nag-asawa na. di ko nga lang alam kung ano na ang sexual preference nya ngayon, dati pa kasi ako may duda sa babaeng ito. sana lang masaya sya ngayon. next is the mala-gubat na bakuran ni Ti Ising (sana tama pagkaka-alala ko sa pangalan nya) na may anak na medyo may sayad, si Kuya Mario. madalas ako dati sa bakurang yon dahil mahilig sa halaman ang nanay ko at madalas silang magchikahan ni Ti Ising. kahit medyo praning ako sa bakuran nila at kay Kuya Mario, enjoy naman ako dahil madaming puno at maluwag yung bakuran. parang feeling ko non pag andun ako, walang highway sa harap nung bakuran parang feeling nasa gubat ako hehe. hmm, dun nga pala nabangga ng jeep si Topey, yung salbaheng kuya ni Annie. wala na yung bakuran na yon ngayon, ang pumalit Security Bank. o diba, sign ng pag-unlad! next is my former school (Kindergarten). iba na name ng school ngayon at wala na ring playground. dati kasi nakiki-share lang sila sa isang residencial place, pinayagan lang silang maki-lagay ng mga swing, etc dun sa katabi nilang bakuran pero ngayon wala na kong makitang laruan ng mga bata. sana lang meron sa likod. marami akong memories sa school na to, dito ako unang nadapa ng hindi ko kasalanan. binangga ako ng classmate kong malaking batang lalake habang sumasalubong ako sa nanay ko na susundo sana saken sa school. putok ang labi ko, tumilapon pa ako. dito rin ako unang naging member ng choir at naranasang magperform sa stage play. angel ang role ko non, yun ang pinaka-masayang experience ko nung kinder ako. dito rin ako (o kami nila Gwendolyn (na gustong ipabago ang pangalan nya to Gendalyn) at Brenda) sumali sa contest ng pagkanta, hindi kami nanalo pero may naiuwi kaming babasaging dilaw na bibe na may nakalagay na verse galing sa Bible. yung residencial place slash playground namin dati wala na ngayon, ang pumalit ay hanay ng pawnshop, internet cafe, convienent store, waiting shed, etc. pati yung kalyeng papunta sa bakery ng Grade 1 teacher ko na si Ms. Pakinggan iba na rin. hindi na ganon ka-tarik at espalto na sya ngayon. natatandaan ko pa nung dating makaladkad ako ng bike sa matarik na kalsadang yon. naka-angkas ako sa likod - ni hindi ko na nga matandaan kung kanino ako naka-angkas - tapos nadulas yung paa ko pero sa halip na mahulog ako sumabit yung beach walk kong chinelas sa angkasan, kaya ayun kaladkad ang byuti ko.

and lastly yung compound na tinirahan namin dati. ang lugar kung saan ako nagkamalay, unang nagka-crush, unang nawalan ng kaibigan, unang nakaranas ng tagumpay, pambubuska at kung anu-ano pa. wala na rin sya ngayon, napasama na rin ata dun sa gawaan ng oxygen o ng kotse. nakaka-miss yung place kasi yun nalang sana ang magpapa-alala ng kamusmusan ko nawala pa. dito ako nabuska ng maige ni Kuya Jeffrey, butiking pasay daw ako. lihim naman akong nagdiwang nung minsang nakita ko syang nasugatan nung nag-gigitara sya. buti nga. bilang ganti ko sa kasalbahihan nya lagi ko namang binubuska yung pamangkin nyang si Endang ng negra. pati na rin sila Diego at Richard. san na kaya sila ngayon? yung payat na bading na tiyuhin nila na naging ka-berks ng pinsan kong bading asan na kaya? si Gwendolyn (o Gendalyn)? si Jing-Jing? yung kapit-bahay naming sina Ti Helen na nanay ni Brenda nasa States na daw. nakapag-asawa kasi si Brenda ng matandang kano, galing nya ginamit nya ang utak nya. sila Aling Norma and Kuya Ompong daw naghihirap na, sila Kuya Jimmy and Ate Syoneng naman alam ko kung san nakatira ngayon. si Ti Caring naman nagpupunta pa rin sa bahay. si Inday may asawa at anak na.

eh yung mga dating classmates ko kaya asan na sila?

Paolo Purrificacion - sya ang genius sa lahat
Eric C. - nalimutan ko na surname nya
Concepcion - nalimutan ko rin surname pero nickname nya raw sa bahay Chona
Katherine Tabing
Darla
Randy na kaibigan ni Eric
Glecy
Angeline dela Cruz

at syempre ang dati kong bestfriend doon...

si Mary Grace P. Silla - alam ko pa nga kung ano yung "P" eh, Pasko (or Pasco)

sana makita o makausap ko man lang kahit isa sa kanila ngayon. wala lang, kahit hindi ko naman sila lahat ka-close parang ang sarap lang balikan ng nakalipas. yung kamusmusan ko na wala akong ibang pinoproblema kundi yung pagtakas ko sa pagtulog sa hapon para makapaglaro sa labas.

madalas kong mapanaginipan tong lugar na to, hindi ko alam kung bakit pero pag nangyayari yon masaya lagi ang gising ko. parang ayoko nang matapos yung panaginip. gusto ko dun nalang ako tumira sa lugar na yon.

Shoot me!
9 years
Monday, March 07, 2005|08:58 pm
after 9 long years of waiting, i finally saw Jars of Clay perform live on Wednesday night (March 2). my throat still hurts and i still cant help smiling whenever i remember what happened. it was surreal.

i was shaking when we got there and it didnt even bother me if i didnt have a proper dinner. my heart was pounding. 9 years, 9 years... after local band Barbie's Cradle (who's also a fan according to Barbie who waited for 10 years to see Jars) finished their set and after a very short sound check, they came on stage and started the night by singing I Need You.

everybody was screaming, jumping, dancing, and singing. it was unbelievable! i was in the same room as they are, breathing the same air, singing the same songs. some might say im mababaw, pero naman! 9 years ang pinag uusapan dito, SYAM NA TAON. i wanted to go closer to the stage but i hesitated because i was with a friend and i dont want to leave her alone. i was desperate to feel Dan's hand or touch Steve's or Charlie's foot thats why i wanted to get close but with the amount of people standing there i knew i wont make it so i didnt bother. another member Matt had to go back to the US because a relative died thats why Steve's electric guitar did a double duty but still he rocked!

they sang a mix of songs from their old and newer albums plus "God Will Lift Up Your Head" (which is a classic song written in the 17th century) from the upcoming album Redemption Songs. they even invited a guy (with his girlfriend) to sing with them because according to Dan he sometimes forgets the lyrics of their old songs (Steve was pointing to Dan while nodding). Dan gave them his mic and they sang Unforgetful You. it was awfully funny and hysterical! the guy was tone deaf but you know he's enjoying what he's doing. a wedding proposal was made on stage after that. of course it was planned! the moment i saw the guy went down on his knees i screamed, "SAY NO!". im mean, i know. some ppl at the back were even booing, so im not that bad after all. many ppl loved it, some didnt. i love the fact that Jars was part of the proposal, panalo! and of course she said yes. at si bruha, nayakap pa si Dan at Steve. ngitngit ako sa inggit!

i couldnt believe JoC have so many fans in the Philippines and almost everybody knows all the songs they sang! wow. galeng talaga. i wasnt expecting a night like that. knowing that most of their album werent release here (11th Hour was released in 2003 i think but they pulled it out after 2 months!) and they are a Christian band who proudly sings songs of praise until now. i am not a devoted Christian but i have my faith, thats why i was completely shocked to see some people (maybe 3 or 4) raising their hands as if they're praying. i have nothing against them, i also believe in God and listening to Jars is so moving because of the lyrics of their songs, but... yeah, maybe they were just moved by the songs...

what really made me nearly cry was the encore. Disappear and Tea and Sympathy. i was singing along with them when i noticed a strange expression in their faces... i turned my back and saw hundreds of thousands of fans waving their cell phones up in the air. a modern way of doing the impromptu ode (is that what you call it? yung may lighter chuva?). we all did it and it was magical. and did i mention i nearly cried? :)



here is the set list:

I Need You
Sunny Days
Faith Like A Child
Love Song For A Savior
Five Candles
Lonely People
He
Frail (i screamed hard the moment i heard the intro. haha!)
Unforgetful You
Liquid
Crazy Times (rock and roll!)
Worlds Apart (short version)
Fly
God Will Lift Up Your Head (new song from the upcoming album)
Show You Love (aaahhhh!!!!)
I'm Alright
Flood (rock and roll part 2!)

encore:
Disappear (rock and roll part 3!)
Tea & Sympathy (a magical moment)

after the concert the organizers gave away autographed posters to the crowd. we didnt get one :( i was tempted to asked for one but almost everybody wants to get a poster so i dismissed the idea. i even saw some ppl from MYX doing interviews to the audience. kung nilapitan lang sana nila ko, eh di nagmaganda na ko! haha! Kaye and i didnt feel like going yet so we decided to go the south gate to get a glimpse of them before leaving. there were a couple of people there when we arrive. 5 minutes passed and the gates opened and two cars emerged. i was trying to look inside the 2nd car (a van) to see who's inside and then i realized that a guy in a green shirt was waving at me. it was Dan!!! i said "hi!" and then 2 girls were like, "is it them?". OMG, im in heaven...

my pictures arent that good because there were so many lights on stage! i didnt even get a good picture of Steve! and thanks to the voice recorder of my phone, i have short clips of all the songs. i can hear my voice on most of them though *lol*

this enty is also posted on my friends only LJ :)

if you want to see more reviews and youre just bored and curious to know more about the concert go here.

Shoot me!
good news, bad news
Friday, February 18, 2005|09:29 pm
bad news muna.

wala na si Sydney. si Sydney yung asong binili ko sa friend ko ng murang mura lang. amoebiasis daw sabi ng vet, pero iba ang feeling ko. nung una kala ko parvo, thank God at hindi naman. bakit ko nasabing iba ang feeling ko? last Saturday kasi i brought her to the same vet para mabigyan ng 2nd shot. yung original na shot nya is 5 in 1, so sinabi ko kay vet na ituloy na lang yon kasi yun na yung nasimulan nung friend ko. he told me na iibahin nya daw kasi mahina yung 5 in 1, gagawin nyang 3 in 1. ako naman si engot, nung narinig kong mas konti in numbers pumayag ako. Tuesday night nung ipinasugod ko sa vet si Sydney dahil according to my beloved cousin nagsusuka daw at umeebs ng kakaiba. nakakahiya mang aminin pero umiyak talaga ako. sabi ni vet reaction daw yon dun sa binigay nyang shot, normal daw yon. so hopeful ako na gagaling na rin sya kinabukasan. napuyat ako nung gabing yon kababantay sa kanya, pag nagsusuka sya sinusundan ko kagad ng punas para hindi naman makalat. everytime na masusuka nga sya tumitingin muna sya saken, parang nanghihingi ng permission, parang nahihiya. ako naman naaawa. Wednesday morning iba na ichura nya, parang isa na syang malnourish na askal, sobrang dehydrated at hinang hina. i took the morning off and brought her back to the vet. kinabitan ng dextrose at kung anu-anong tinurok na gamot kasama ng dextrose. iniwan ko sya because i had to go to work. 2:45 pm i got a msg from the vet telling me she passed away at 2:15pm. at kahit anong pigil ang gawin ko wala akong nagawa kundi ang umiyak. as in hagulgol. pati ibang officemates ko naki-iyak din. it was really painful for me. hanggang ngayon hindi pa ko ok, pero syempre "the show must go on" ika nga nila. i have to move on. feeling ko hindi nakayanan ng munti nyang katawan ang dosage nung 2nd shot. marami na rin kasi akong naririnig na ganitong case. a former officemate experienced the same thing. natatandaan ko naglasing pa sya nung namatay yung aso nya. wala naman akong sinisisi sa mga nangyari, hindi ko rin sinasabing tama ang theory ko, i could be wrong. siguro lang hindi pa talaga time para madagdagan ang aso namin. seryoso ko naman masyado! hehe

o good news naman.

ang pinaka paborito kong Christian band ay magko-concert sa Pinas! yahoo! since highschool isa na akong fan kaya sobrang excited ako. at kahit medyo gipit ako dahil sa gastos sa pagpapagamot ni Sydney, bumili na kami ni Kaye ng ticket kanina. kailangan kong sumaya, kailangan kong maaliw, at hindi ko dapat palampasin to :D


(2) shot me
sanggano: mag-ingat sa aso
Thursday, January 27, 2005|05:51 pm
aso. rottweiler. sa darating na linggo matutupad na rin ang pangarap kong makaroon ng ganitong klaseng aso. and would you believe sa halagang anim na libong piso lamang? panalo talaga.

this is going to be my first time na mag-alaga ng asong hindi pinoy hehe. although medyo marami-rami na rin ang karanasan ko sa pag-aalaga ng askal, iba pa rin to. mas magastos, dapat mas tutok. pero syempre hindi pa rin mababawasan ang attention na ibibigay ko sa natitirang tatlong aso, lalo na't lolo't lola na yung dalawa. matampuhin na.

i had a chance to visit Divisoria and Ongpin last weekend. ang tagal ko ring hindi napadpad sa lugar na yon and i must admit na talagang nanibago ako. parang nakalimutan ko na kasi yung overcrowded street ng Divi, yung mga sidewalk vendors na basta nalang magtatakbuhan pag may parating na pulis, at yung bara-barang pagtawid ng kalsada kahit may mga sasakyang parating. at ano pa nga ba ang pwedeng mangyari pag medyo engot ka? and masigawan ng ubod ng lakas na "TANGA!" ng isang pedicab driver sa gitna ng masikip at mataong daan ng Ongpin. nakakahiya man pero atleast nasagot ko sya ng isang malambing na "THANK YOU HA!" kahit na nanggagalaite na ko sa galit nung mga time na yon.

at syempre ang rule of thumb pag napadpad ka sa mga lugar na tulad ng Divisoria... HUWAG MAGTATAKIP NG ILONG KAHIT GAANO KABAHO AT KADUMI ANG PALIGID. nakakita ako ng mga mapuputing sosyalerang teenagers -- na obviously medyo newbie sa pagsha-shop sa Divisoria -- na nakatakip ng panyo ang ilong habang naglalakad. nangyari syempre ang inaasahan, kahit saan sila magpunta sinisigawan sila ng mga tindera/tindero/dispatcher/kargador ng "MABAHO BA KAMI HA?" na ikinatakot naman ng mga sosyalerang mapuputing teenagers na newbie sa pagsha-shop sa Divisoria. kung di sana sila nagtakip ng ilong, hindi sila mababastos ng ganon.

tapos kagabi may medyo aning-aning na bata sa may ilalim ng skyway (malapit sa Buendia) na medyo galit ata sa mundo. lahat ng nakakasalubong nya tinatadyakan nya, tao man o sasakyan. kakaiba.

(2) shot me
first entry for 2005
Thursday, January 06, 2005|08:12 pm
una sa lahat, manigong bagong taon po sa mangilan-ngilan kong kaibigang patuloy na nagbabasa ng blog na ito. naway swertehin tayong lahat ngayong 2005.


sa totoo lang wala akong maisip na mai-blog, pero nalulungkot naman ako pag tinitingnan ko tong blog ko dahil ang tagal na nung huling entry ko. walang bagong pangyayari sa buhay ko, pero sa mga taong malalapit saken marami. i started the year in shocked because of one shocking news from my cousin. pero syempre im happy for her.


meron palang bago saken... sa pagbubukas ng taon lumiwanag na ang mata ko, dahil simula nung Sunday (Jan 2) ay naka-eye glasses na ako. matagal ko nang pinipilit mabuhay na medyo hirap sa pagbabasa, madalas makakita ng stars, nagdidilim ang paligid hanggang wala nang makita, etc. tiniis ko lahat yon kasi medyo mataas ang pride ko, ayokong malaman ng buong Pilipinas na malabo na ang paningin ko. babaw no?


wala akong New Year's resolution, di talaga ako gumagawa non. dahil for me hindi mo na kailangan antayin ang bagong taon para magbago. kung gusto mo ng pagbabago umpisahan mo agad. wala nang bukas bukas, now is always the right time.


naiirita na ko sa mga fans ng kung sino-sinong artistang nagpo-post sa tag board ko, kaya for the mean time wala munang tag board. hindi na ko natutuwa. ilang beses ko bang sasabihin na wala akong kinalaman sa mga artista? hmp.

(2) shot me
argh.
Friday, December 10, 2004|07:14 pm
Friday today, bad day for me.


umaga pa lang bad trip na, mula sa pagsakay sa shuttle hanggang sa work. lahat na yata ng ka-bwisitan nakuha ko. hmp.


oo nga pala, naalala ko lang...


this post is giving me more hits. at katulad ng na-post ko na dun sa comments page nung entry na yon, uulitin ko ulet dito.


hindi ako affiliated sa sinumang artista at anumang TV network dito sa Pilipinas. kung nabanggit ko man minsan kung ano ang gusto kong istasyon, WALA NA KAYONG PAKIALAM DON! wala kayong karapatang husgahan ako, o ang istasyon mismo, o ang blog na ito. AKIN TO, AKO LANG ANG MAY KARAPATANG HUMUSGA SA SARILI KO. at para sabihin ko sa inyo, pati ako walang karapatang manghusga ng ibang tao. kaya please lang, tigilan nyo na -- kung sino man kayo -- ang pagpo-post ng mga masasamang salita dito sa blog ko. juice ko naman, mahigit isang taon ko nang ginawa yung entry na yon tapos hanggang ngayon eh nagko-comment pa rin kayo? ang babaw ha! sa oras na malaman ko kung sino ang salarin sa lahat ng ito.... wala lang, wala naman akong gagawing masama... pero malakas ang paniniwala ko sa KARMA.


oo nga pala, salamat na rin sa pagbisita... atleast nadadagdagan ang number of visitors ko araw-araw. bwehehehe.

Shoot me!
navigation
[viewing|most recent entries]
[go|Previous Page| |Next Page]
Daily Reads
Ate Sienna | Ala | BatJay | Bianca | Bikoy | Calculus | Chinese Boys | Curbside Prophet | Dinsworld | Garrr | Ironwulf | Jim Paredes | Lifelog | Lockload | Piagorgeous | Vikki | Zach | Jessica Zafra |
online

 
Contact Me
If you want to be updated on this weblog Enter your email here:

Blogdrive